Hindi napigilan ni BINI Gwen na magpost sa social media kaugnay sa pag-invade ng kanilang privacy.

Kwento ni Gwen, may mga umano’y fan na kumatok sa kanilang hotel room para magpapicture.

Nilinaw naman niya na naappreciate nila ang pagmamahal at suporta ng mga fans pero sana ay huwag naman umabot sa punto na mangatok na sila ng room.

“I really hope everyone respect people’s privacy🙏🏻 yung personal time we’re trying to adjust eh kase wala ganon na talaga, pero kahit privacy na lang, we appreciate your love and support and we always try na mapagbigyan kayo sa pagpapicture but pleasee… not to the point you’ll go knock our rooms just for picture🙏🏻. Thank you,” sey ni Gwen.

Dagdag pa niya, ” Nakakalungkot, palala na ng palala.”

Nag-react din sa post ang co-member ni Gwen na si BINI Aiah Arceta, “This is what I had been talking about before.”

Paliwanag pa niya, appreciated nila ang pagmamahal ng mga BLOOMS pero kailangan rin nila ng personal time at space para makapag-recharge.

“We genuinely care for and appreciate everyone who support us. However, at the end of the day, tao lang din kami and need din namin ng personal time and space para makapag recharge. Recharged bini girlies = renewed energy and positive spirit that can radiate to everyone else,” saad ni Aiah.

Matatandaan na una nang nagpost si BINI Aiah ng tungkol sa privacy at respect nang mag viral ang isang video kung saan makikitang may isang lalaking biglang lumapit sa kaniya at muntik na siyang halikan sa isang bar sa Cebu.

PHOTOS: BINI Gwen/Facebook

Instagram