Matapos ang dalawang taong hiatus, muling nakamit ng Golden State Warriors ang NBA Western Conference Championship nang talunin nila ang Dallas Mavericks 120-110 sa Game 5 (4-1), kung saan si Steph Curry ang pinangalanang Western Conference Finals MVP.

Ito ang ika-anim na pagkakataon sa huling walong season, na nasungkit ng Warriors ang puwesto sa NBA Finals at sinigurado nila na hindi nila pinalampas ang oppurtunidad sa kabila ng kanilang pagkatalo sa Game 4 sa homecourt ng Dallas Mavericks.

Pinangunahan ito ng isa sa Splash Brother’s na si Klay Thompson na may game-high na 32 points sa loob ng 37 na minuto! kung saan mayroong siyang 8-for-16 shooting mula sa three pointer line.

Matapos ang dalawang taong major surgery at rehabilitation, muling nakabalik si Klay at natulangan ang GSW makabalik sa NBA Finals.

Sa panayam ng NBA, sinabi ni Klay na ”It’s hard to put into words really.”

”This time last year, I was just starting to jog again and get up and down the court. Now to be feeling like myself, feeling explosive, feeling sure in my movements, I’m just grateful.”

Plus, may anim pang ibang GSW players na may double-figures sa scoring department. Pinatunayan ng Warriors na ang basketball ay team effort na laro.

Samantala, tinapos ni Luka Doncic ang laro na may 28 points, ngunit, 3-for-13 lamang siya sa three-pointer, si Spencer Dinwiddie naman ay nag-ambag ng 26 points sa 12 field-goal attempts.

Ngayo ay inaantay na lang ng Warriors kung sino ang magwawagi sa Eastern Conference Finals sa pagitan ng Boston Celtics at Miami Heat.

Congratulations Golden State Warriors!

📷 @warriors Instagram

Instagram