Magkahawak-kamay na dumalo ang actor-turned-director na si Xian Lim at ang kanyang bagong girlfriend na si Iris Lee sa red carpet premiere ng horror film na ‘Kuman Thong’ sa SM Cinema.

Ito ang unang public appearance ng dalawa simula nang kinumpirma ni Xian ang kanilang relasyon.

Si Iris ay producer at co-writer din ng pelikula.

Ang “Kuman Thong” ay ikatlong directorial film na ni Xian kasunod ng Cinemalaya Film Festival 2019 entry na “Tabon” at comedy film na “Hello, Universe!”

Kasama ng dalawa na dumalo sa event ang mga cast ng movie na sina Cindy Miranda, Althea Ruedas, Emman Esquivel, atThai actor Max Nattapol Diloknawarit.

Instagram