Nawindang si Amy Perez nang tawagan ng ‘It’s Showtime’ co-host na si Kim Chui para i-prank.

Si Tyang Amy ang huling tinawagan ni Kim para sa kanyang prank sa mga co-host sa ‘It’s Showtime’.

Gumawa si Kim ng drama na pinapabayad siya ng immigration ng P80 million dahil hindi siya Filipino citizen.

Agad naman nag-alok ng tulong si Tyang Amy kay Kim at sinabing ipapakilala siya sa kapitbahay na abogado.

Nang subukan nang sabihin ni Kim na manghihiram ito ng pera, sinabi nito na “Hala! Saan naman ako kukuha ng ganoong kalaking pera Kimmy?… Kahit isanla ko yung katawan ko walang kukuha..”

Napahagakhak na lang ang aktres ng aminin nito sa kanya na prank lang ang lahat.

Instagram