Uuwi na sa bansa si Kris Aquino batay sa kaniyang pinakabagong post sa Instagram.

Sey ng “Queen of all Media” nais niyang maging 100% honest sa kanyang kondisyon.

Dumating raw siya sa US na na diagnose ng 3 autoimmune conditions at nadagdagan pa ng isa noong June 2022 at marami pang ibang sakit na natuklasan.

“I choose to be 100% honest. i arrived in the 🇺🇸 with 3 diagnosed autoimmune conditions, a 4th was confirmed in late June of 2022 (1. Autoimmune Thyroiditis 2. Chronic Spontaneous Urticaria 3. Churg Strauss/EGPA- a rare, complicated form of vasculitis 4. Systemic Sclerosis and this 2024 i was diagnosed with 5. SLE/Lupus and 6. Rheumatoid Arthritis.) We are still waiting for the results of 2 more autoimmune conditions,” paliwanag niya.

Hindi binanggit ni Kris kung kailan siya uuwi pero may nakalagay na “LAX” sa kaniyang post na iniisip ng marami na ibig sabihin ay Los Angeles International Airport.

Sinabi rin nito na kaya siya uuwi ay dahil kailangan niya ng encouragement at ‘unwavering faith’ mula sa kanyang mga kapamilya at kaibigan dahil magsisimula na ang kanyang ‘second immunosuppressant infusions’.

“The reason i decided to go home is because i need to start my second immunosuppressant infusions in 2-3 weeks (it’s a gentler term for chemotherapy). Emotionally i need the encouragement and unwavering faith my sisters & cousins, closest friends, and trusted team of doctors can provide… sadly what was the BATTLE TO IMPROVE MY HEALTH is now THE STRUGGLE TO PROTECT MY VITAL ORGANS. This is now the FIGHT OF MY LIFE,” pahayag nito.

Nagpasalamat din si Kris sa lahat ng mga nagdadasal, sumuporta, mga doktor, nurse at kaibigan na tumulong sa kanila.

Instagram