Noong Linggo Oct. 1, sa naganap na Sorsogon Town Fiesta 2023, tila nagkaroon ng mainit na aksyon nang hindi payagan ng Gobernador na si Jose Edwin Hamor ang sikat na banda na Kamikazee na mag-perform. Ang aksyon na ito ay tila dahil sa umano’y attitude ng mga miyembro ng banda.

Bagamat may bayad na ang banda, sa kabila ng kanilang potential na makapagbigay saya sa mga tao, tila nagkaroon ng aberya. Ayon kay Gov. Hamor, “Hindi na matutuloy ang Kamikazee. Wala tayong magagawa. Bayad ‘yon kaso may attitude. Pinauwi ko na sa airport,” sabi ng gobernador sa audience.

Humingi siya ng paumanhin sa mga taong nanonood na hindi na makakapag-perform ang Kamikazee, na pinangungunahan ng bokalista nitong si Jay Contreras.

Hindi lang ito ang isinisiwalat ng Gobernador, kundi pati ang mga diumano’y kapritso ng bandang ito. Ayaw umano ng banda sa photo ops, dahil wala daw ito sa kontrata,

Ayon sa ulat ng “24 Oras,” nagalit si Hamor nang tanggihan ng Kamikazee na magpakuha ng litrato sa kanilang tourist attraction na Thousands Light Roses. Ang ibang banda naman tulad ng Imago at I Belong To The Zoo ay pumayag magpakuha ng litrato sa nasabing tourist attraction.

Ayaw gumamit ng pampublikong toilet, at may nakakatuwang pagbibiro pa umano na sa laging puting damit ng Gobernador.

Sa pagsasaalang-alang ng isang talent coordinator, si Jonathan Valdez, ibinahagi niya ang kanyang mga hirap sa pakikipag-ugnayan sa banda. Ayon sa kanya, “Spoke to some people in the industry. Isa ang common na sinasabi nila–NAKAHANAP NG KATAPAT ang KAMIKAZE! Hindi ko kayo makakalimutan mga Sers, ibang level ang po kabastusan nyo!”

Hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag ang grupo ng Kamikazee hinggil sa pangyayaring ito. Makikita pa sa kanilang Facebook account na patuloy nilang ini-promote ang kanilang pagtatanghal sa Sorsogon matapos ang konsiyerto sa Agusan del Norte.

Instagram