Sa do or die game sa pagitan ng Boston Celtics at Miami Heat para masungkit ang Eastern Conference Finals Championship, tinalo ng Celtics ang Miami sa score na 100-96 kung saan makakalaban na nila ang Golden State Warriors sa NBA Finals.
Sa pangunguna ni Jayson Tatum na may team-high na 26 points, sampung rebounds at anim na assists, sa unang pagkakataon mula noong 2010 nakarating na rin sa wakas ang Boston Celtics sa NBA Finals.
Habang si Marcus Smart ay nag-ambag ng 24 points at siyam na rebounds at si Jaylen Brown nag-bigay rin ng 24 points para sa team.
Sa panayam ng NBA, sinabi ni Smart na, ”This is amazing.”
”We finally got over the hump.”
Si Jayson Tatum ang tinanghal Most Valuable Player ng Eastern Conference Finals, kung saan siya ang nakatanggap ng Larry Bird trophy.
”To get over the hump with this group, it means everything,” aniya.
Samantala, tinapos ng Heat All-Star Jimmy Butler ang laro na may 35 points at siyam na rebounds, malaki rin ang naitulong ni Bam Adebayo na may 25-point at 11-rebounds, habang si Kyle Lowry ay nag-ambag ng karagdagang 15 points para sa team.
Hanggang sa huling bahagi ng laro, lumalaban ang Heat, ngunit, sa kabila ng lahat ng kanilang pag-pupursige, hindi nila nahabol ang Celtics.
”It’s heartbreaking when it ends like this,” sinabi ni Spoelstra, coach ng Miami Heat.
”You certainly have to credit the Boston Celtics organization and their team and their coaching staff. … We tip our hats off to them. They are a heck of a basketball team.”
Abangan ang laban ng Boston Celtics at Golden State Warriors para sa NBA Finals Championship.