Nagsimula na ang production ng sikat na ‘One Piece’ live action series season 2 at kumpirmado na ang dagdag na tatlong bagong aktor na kasama sa cast.

Inanunsyo ng One Piece Netflix Twitter account sa isang tweet na may video ang pagsisimula ng shooting para sa season na magsisimula sa Cape Town, South Africa.

Sa latest socmed post naman ng One Piece Netflix actors, kumpirmado na kasama sa season 2 ang Alabasta Arc at makikita dito ang maraming adventures ng Straw Hat members sa Grand Line.

Nag-premiere ang series sa Netflix last August 31, 2023 at maraming fans ng sikat na One Piece anime ang nag-abang dito.

Ang live action ay base sa manga na gawa ni Eiichiro Oda tungkol sa adventures ni Monkey D Luffy sa paghahanap ng ‘One Piece’ kasama ang kanyang crew na Straw Hats.

Instagram