Naantig ang puso ng mga netizens sa video ni Sarina Hilario na umiiyak dahil hindi makapanood ng first solo concert ng P-pop girl group na BINI.

Mapapanood sa social media ang video ni Sarina na umiiyak habang kino-comfort ng kanyang ina.

Hindi pa kasi pwedeng dumalo ang 3-year-old fan girl sa BINIVerse dahil ang minimum age requirement ay 7 years old.

Sa kabila nito, nabigyan naman ng pagkakataon si Sari na makita sa personal at mapanood na nagpe-perform ang kanyang mga idolo sa stage.

Instagram