Magiging nanay at tatay na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day nitong June 16, binati ni Ria ang asawang si Zanjoe kasabay ng anunsyong papasok na sila sa bagong yugto ng kanilang buhay.

Nagpost si Ria sa Instagram ng mga larawan habang nasa beach sila at makikita ang kanyang baby bump.

“To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you 🤍 Happy first Father’s Day! ✨,” caption niya.

Marami namang mga kasamahan nila sa showbiz ang bumati sa kanila.

Ikinasal ang dalawa sa isang civil wedding sa Quezon City noong March 23. 

PHOTOS: Ria Atayde/IG

Instagram