Ni-reveal ni Jessy Mendiola na muntikan na silang maghiwalay ng asawang si Luis Manzano noong bagong kasal palang sila.

Sa pinakabagong vlog ni Jessy Mendiola, nagbahagi siya ng personal na detalye tungkol sa kanyang relasyon kay Luis Manzano, na pumukaw ng atensyon ng mga tagapanood.

Sey ng aktres, matagal ng hindi nakikita sa kanyang vlog si Luis kaya naisipan niyang maglaro ng “Truth or Dare” kasama ito.

Natanong kay Jessy ang “Describe the time where you almost broke up with your spouse,’ at doon nito binahagi ang mahirap na bahagi ng kanilang married life.

May mga pagkakataon umano na nararamdaman niya na hindi na siya pinapakinggan ni Luis nang pagsabihan niya ito tungkol sa kanyang mga kaibigan.

Umabot pa raw sa punto na nagpaalam na siya sa biyenan.

Pero sa huli ay nalampasan din nila ito at mas lalo pang naging malalim ang kanilang relasyon.

Instagram