Nabiktima si Miss Universe 2018 Catriona Gray ng pagnanakaw sa sana’y masayang bakasyon nito sa London.

Ayon sa beauty queen, iniwan nila ang sasakyan sa parking lot ng isang restaurant para kumain bago pumunta sa airport.

Pero nang balikan nila ito basag na ang bintana ng sasakyan at nawawala na ang mga mahahalaga nilang gamit kasama ang kanilang passport.

Sinabi ni ‘Catriona’ na ‘traumatized’ ito dahil sa insidente.

PHOTOS: Catriona Gray/Instagram

Instagram