Sa bansang China, isang porsiyento lamang sa kanila ang Kristiyano, kaya kaunti lamang ang kanilang kaalaman tungkol sa Pasko. Dahil dito, bihira lamang ang selebrasyon ng pasko sa mga syudad sa China.
Sa mga naglalakihang syudad, mayroong mga Christmas trees, lights at ibang dekorasyon sa mga kalsada at department stores. Ang tawag nila kay Santa Claus ay ‘Shen Dan Lao Ren’. May mga grotto rin sa mga tindahan katulad ng sa Europe at America. Ang mga post men ay maaaring magbihis bilang Santa kapag naghahatid ng mga sulat bago ang Pasko!
Marami sa mga kabataan ang ipinagdidiwang ang Kapaskuhan sa mga syudad kung saan ang mga Christmas parties ay nagiging popular na. Ito na rin ang panahon para sa mga young couples sa pagbibigayan ng mga regalo sa isa’t-isa, katulad ng Valentine’s day.
Sa Chinese ang Happy/Merry Christmas ay ‘Sheng Dan Kuai Le at ‘Seng Dan Fai Lok sa Cantonese samantalang Happy/Merry Christmas naman sa ibang mga lenggwahe.
Kaunti lang din sa mga Chinese ang mayroong Christmas Tree. Kung mayroon man sila nito, kalimitang gawa lamang sa plastic at ang dekorasyon lamang ay mga paper chains, paper flowers, at paper lanterns na tinatawag rin nilang tree of light.
Ang kakaiba dito ay karamihan sa mga plastic Christmas Trees at Christmas decorations sa buong mundo ay gawa sa China, subalit ang mga taong gumagawa nito ay walang ganitong dekorasyon sa kanilang mga kabahayan tuwing pasko.
Ang tradisyon na nagiging popular ngayon sa China ay tuwing Christmas Eve ay nagbibigayan sila ng mansanas. Maraming mga tindahan ang may mga mansanas na nakabalot sa colored paper para ibenta. Ang mga tao ay nagbibigay ng mansanas sa Bisperas ng Pasko dahil sa Chinese, ang Bisperas ng Pasko ay tinatawag na “Ping’an Ye” na ang kahulugan ay tahimik o tahimik na gabi, na isinalin mula sa carol na ‘Silent Night’. Ang salita para sa mansanas sa Mandarin ay “píngguǒ” (苹果) na katunog ng salitang kapayapaan.
Ang ilan sa mga tao sa China ay kumakanta ng Carol, bagaman hindi maraming tao ang nakakaunawa sa kanila o nakakaalam tungkol sa Kwento ng Pasko. Ang Jingle Bells ay isang sikat na Christmas song rin sa China!
Ang mga Kristiyano naman sa China ay nagtutungo sa mga special services at naging popular na rin ang pagdalo sa mga Midnight Mass services.