Si Roland “Bunot” Abante, isang mangingisda na mula sa Cebu, ay naghatid ng isang kapana-panabik na performance sa sikat na palabas sa telebisyon na “America’s Got Talent” (AGT). Bagaman karaniwang kumakanta lamang siya para sa kasiyahan sa mga karaoke night sa kanilang lugar, ang pangarap ni Abante ay makapag-perform sa AGT na napapanood lamang niya sa kanyang cellphone.
Sa pagiging mangingisda niya sa umaga at paghahatid ng mga produkto sa hapon gamit ang habalhabal, nakamit ni Abante ang pagiging viral dahil sa kanyang husay sa pag-awit.
Isa sa kanyang mga kinagigiliwang video, ang cover niya ng kanta na “You’re the Inspiration” na isinagawa sa Filipino radio station na Wish 107.5, ay umabot na sa higit sa 14 milyong views sa YouTube. Isa pang video noong 2014, kung saan siya ay kumanta ng “To Love Somebody,” ay nagtala ng higit sa 6.3 milyong views.
Sa AGT, pinahanga ni Abante ang audience at ang mga hurado na sina Simon Cowell, Sofia Vergara, Heidi Klum, at Howie Mandel, sa kanyang bersyon ng kanta ni Percy Sledge na “When a Man Loves a Woman.” Ang kanyang nakakabilib na boses ay nag-iwan sa mga manunuod ng pagkamangha at nagdulot ng mga ngiti. Matapos niyang tapusin ang kanyang pag-awit, tinanggap ng mangingisdang Pilipino ang isang standing ovation mula sa mga manonood.
Reaksyon at Komento ng mga Hurado ng AGT
HEIDI KLUM: “I don’t think you could have done it better, You left it all on that stage. You were amazing. You should be very proud of yourself.”
SOFIA VERGARA: “I have a feeling, you’re going to have to stop fishing because this is where you needed to be.”
SIMON COWELL:“You were so nervous, I genuinely thought you weren’t going to be able to do this. And then, that happened. And it actually made me love this audition even more. And I really like you.”
Nang malamang ang paboritong hurado niya ay si Cowell, nagpaunlak ng kilalang personalidad sa telebisyon ang isang yakap para kay Abante.
HOWIE MANDEL: “I think Simon’s absolutely right. It’s the emotion and we can feel your heart. I think that everybody just heard a life-changing moment.”
Na may papuri mula sa lahat ng apat na hurado,at standing ovation mula sa mga manunuod, nakuha ni Abante ang 4 na “yes” at lumabas ng entablado na naglulundag dahil sa lubos na kagalakan.