Trending ngayon ang “Love Hugot” video ni Kapamilya Aktres Angelica Panganiban patungkol sa nalalapit na eleksyon. Mula ang video sa FB page ng Young Public Servants na inilabas noong Pebrero 1.

Ang naturang voting campaign video sa social media na may caption na, “Ilang beses na tayong nasaktan, beh. Dapang-dapa. Wasak na wasak. ‘Wag na tayong magpapabudol! Iwasan na natin ang mga manloloko.”

Sa caption pa lamang, nakuha na agad nito ang atensyon ng mga netizens. Wala pang dalawang minuto ang video, ngunit nag-viral ito dahil sa mga patama nito.

“Hmm! Naloko ka na ba ng pagmamahal sa maling tao? Yung akala mo, gold medalist ka na, tapos, fake news pala? Hmmm… naku, naku, naku… don’t me! Alam ko ‘yan. Marami akong entries. Alam n’yo naman ‘di ba?” panimulang pahayag ni Angelica.

Sa buong duration ng video, walang pangalan na binanggit kung sino ang kanyang tinutukoy.

Sa pagpapatuloy, “Ilang beses akong iniwan sa ere. Ilang beses din akong nasaktan. Lagapak, beh. Dapang-dapa. Ninakawan ako ng pag-asa, at pangarap. Huy! Sus! Para kang nag-swimming sa kalsada, alam mo ‘yun? Wasak na wasak ang puso ni Nasty Mac. Minahal ko eh. Pinagtanggol ko pa nga sa mga friends ko. Pero… wala! Nganga! Mambubudol pala.”

“Ang sakit umasa ha? Nakakapagod ding maging tanga. Sa ganda kong ‘to? Hindi ko deserve. Hindi mo rin deserve. It’s not worth it. I’ve learned my lesson. Kaya sana, ikaw rin. Iwasan na natin ang mga manloloko.”

Sa huling bahagi ng video, nagbigay ang aktres ng payo sa lahat ng mga botante.

“Kaya yung eleksyon sa May 2022, ingat-ingat sa mga tao. Kilatising mabuti ang mga manliligaw. Halughugin ang bio data mula High School hanggang College. Alamin at tingnan ang character references.”

“‘Wag magpapabudol at ‘wag sa magnanakaw!”

Iba’t ibang reaksyon at komento naman ang natanggap nito mula sa mga netizens.

Sa kasalukuyan, mayroon na itong 765K views, 39K reactions, 2.6K comments at 30K shares. Lumabas ito bago magsimula ang election campaign period.

📷 @YoungPublicServants FB page

(YoungPublicServants)

Instagram