Ang selos ay normal at healthy sa isang relasyon ngunit kung ito ay sa paraang “pa-bebe” o “pa-cute” lamang.
Ayon sa pag-aral ng mga psychologist at relationship experts, natural ito sa mga kababaihan ngunit hindi ibig sabihin ay hindi na ‘included’ dito ang mga kalalakihan dahil pare-pareho lamang tayo ng nararamdaman.
Ngunit katulad ng ibang bagay, ang selos kapag sumobra ay nakakasama hindi lamang sa inyong pagsasama kundi pati na rin sa ating pagkatao.
Kaya payo ng mga eksperto, sundin ang mga sumusunod upang magamot ang mga selos bago pa ito lumala.
Una, hayaan mong makaramdam ka ng selos. Tandaan na normal lamang ang magselos. Hayaan mong maramdaman ng iyong minamahal na nagseselos ka. Ito ay dahil sa hindi ka bato o tuod para hindi makaramdam ng selos.
Pangalawa, alamin mo ang pinagmulan ng iyong pagseselos. Tanungin mo ang iyong sarili kung bakit ka nagseselos. Doon mo malalaman kung saan nag-ugat ang lahat. Tandaan na palaging mayroong malalim na dahilan kung bakit mo ito nararamdaman. Madalas ay nag-uugat ito sa iyong sariling ‘insecurities’.
Pangatlo, harapin mo ang iyong kinakatakutan – ang katotohanan. Dahil sa mayroon tayong ‘insecurities’ takot tayong harapin ang katotohanang ito. Takot tayong maging dahilan ito para hanapin ng ating partner ang ating pagkukulang sa iba at iwanan tayong luhaan. Dahil dito, nagsisimula ka nang mag-isip ng kung ano-ano sa tuwing malayo sa paningin ng iyong partner na kahit sa totoo ay wala naman siyang ginagawang masama. Natatakpan kasi ang katotohanan dahil masyado munang pinapangunahan ang lahat.
Pang-apat, itatak sa isip na ang lahat ay nadadaan sa mabuting usapan. ‘Sit down and talk’, dahil ang lahat ay naayos kapag ito ang pinag-usapan ng masinsinan at mahinaon. Hayaang mapakinggan ang nais sabihin sa isat-isa at mabigyan ng pagkakatong mapakinggan.
At ang pang lima, ayusin ang dapat ayusin sa sarili. Katulad ng nabanggit, ang ating ‘insecurities’. Hindi ka basta-bastang makakaramdan ng selos kung mayroon kang ‘confidence’ sa iyong mga katangian at kakayahan. Ayon sa mga ekspekto, sadyang mahirap ma-overcome ang selos ngunit kailangan pagdaan ang prosesong ito upang makontrol ang iyong sarili at mas maging matibay ang tiwala ninyo sa isa’t-isa.