Isang security guard mula sa Aklan ang nag-viral dahil sa kanyang gintong puso, tinulangan niya ang isang estudyanteng walang perang pambili ng pagkain.

Ayon sa ulat ni Oscar Oida sa “24 Oras,” tumakbo ng higit isang kilometro si John Boy Saldivia, isang criminology student, papuntang remittance center sa New Washington para makakuha ng pera na pinadala ng kanyang kaibigan.

Sinabi ni Saldivia na wala rin siyang pamasahe, kaya hindi siya makasakay ng tricycle.

At pagdating niya doon, sarado na ang remittance center at paalis na rin yung security guard.

“Paano ’yan, wala na ’kong makain mamaya,” sinabi ni Saldivia sa guard sa oras na iyon.

Tinanong niya rin ang guard kung maari pa siyang makakuha ng pera kahit sarado na ang center, ngunit sinabi ng guard na hindi ito possible.

Sa sobrang pagod at lungkot ng estudyante, napa-upo muna siya at nag-iisip kung ano na ang kanyang gagawin.

Biglang, nagulat siya sa ginawang aksyon ng guard, binigyan si Saldivia ng halagang P100.

“Sabi niya, ‘kunin mo ’to. Baka wala kang makain. Pambili mo na lang ng bigas.’ Hindi ko naman in-expect, ’yung expression niya is concerned na concerned siya,” pahayag ng estudyante.

“Sabi nya sa ’kin, mag-aral ka ng mabuti. Pagtapos mo, balik mo na lang sa ’kin.”

Pagkatapos, ibinahagi ni Saldivia ang kanyang karanasan sa social media patungkol sa kabaitan na ginawa ng isang guard na may pangalang Mariel Bolivar.

“Kahit di kami magkakilala, tinulungan niya ako,” aniya. “Sana ipagpatuloy niya ’yung ginawa niya sa ’kin, gawin din niya sa iba at maging inspirasyon siya sa mga kagaya ko.”

Samantala, hindi makapaniwala si Bolivar na naging sikat siya sa kanyang hometown.

“Sikat na daw ako,” he said, laughing, adding that people had been waving at him whenever he passed by and asking to take photos with him.

Tinulungan ni Bolivar ang estudyante dahil napagdaanan niya rin daw ang nararansan ni Saldivian.

Ang tanging hiling niya para kay Saldivia, “Mag-aral po siya ng mabuti, at saka tumulong din siya kung meron siya.”

(GMA News)

Instagram