Isang panalo na lamang ang kailangan ng Golden State Warriors upang matanghal bilang NBA Western Conference Champion matapos nilang ma-dominate ang Dallas Mavericks 109-100 sa Game 3 noong Mayo 22 ng gabi (Mayo 23 sa PH time), sa pangunguna ni Steph Curry at Andrew Wiggins.
Nakakuha ng 31-point score si Curry habang 27 points naman ang naiambag ni Wiggins kung saan ito’y kanyang playoff career high, dahil dito at sa kooperasyon ng iba nilang teamates, sila’y nagwagi upang makuha ang 3-0 series lead.
Samantalang si Luka Doncic ng Mavericks ay may 40 points, 11 rebounds at tatlong assists, ngunit, sa kabila ng pinagsamang 46 points mula kina Jalen Brunson at Spencer Dinwiddie, kinulang pa rin ang Dallas para makuha ang kanilang unang panalo laban sa Warriors.
Sa panayam ng NBA, sinabi ni Steve Kerr, coach ng Warriors na ”I love the position we’re in.”
”I love the fact that our team came in and got the win tonight. This was the one we felt like we had to get. Coming here up 2-0, you’ve got to take advantage of your momentum,” dagdag niya.
Sa Mayo 24 ang susunod nilang labanan (Mayo 25 sa PH time), at susubukan ng Warriors tapusin na ang series, at kung manalo sila, hihintayin ng Warriors kung sinong team ang magwawagi sa Eastern Conference sa pagitan ng Miami Heat at Boston Celtics.
📷 @warriors Instagram