Masayang ibinahagi ng YG Entertainment sa lahat ng mga BLINK (tawag sa mga fans ng BLACKPINK) ang anunsyo na malapit nang ipalabas ang documentary movie ng sikat na K-Pop Queens na BLACKPINK at pinamagatan nila itong “BLACKPINK The Movie. Ipapalabas ito sa halos 100 na bansa worldwide sa Agosto bilang selebrasyon ng kanilang ika-5 anibersaryo.

Makakasama sa pelikula ang iba’t ibang mga sequences tulad ng “The Room of Memory” na kung saan ipapakita ang mga alaala ng bawat miyembro sa nakalipas na limang taon. Ang isa sa highlight sa pelikula ay ang “Beauty” na inilalarawan ang mag kakaibang personalidad nilang apat na miyembro. At hindi lang doon nagtatapos, ipapalabas din nila ang “Unreleased Special Interview” para sa mga fans nila.

Black Pink Photo

Mapapakinggan din ng mga Blinks ang limang kanta ng Blackpink na galing sa kanilang virtual concert na “The Show” at “In your Area” noong 2018. Ito ay para maranasan talaga ng mga fans kung ano ang pakiramdam pag ikaw ay nasa totoong concert nila.

Ang “BLACKPINK The Movie” ay bahagi ng kanilang proyekto na “4+1 PROJECT” para sa kanilang ika-5 anibersaryo. Ito ay regalo ng BlackPink para sa mga BLINKs dahil sa kanilang walang tigil na suporta sa K-pop super stars.

Bukod pa doon, nangibabaw ang K-pop industry din sa Billboard World Album Charts na kung saan nasa No. 5 ang BLACKPINK dahil sa “The ALBUM” na ini-release noong nakaraang taon. Nasa unahan naman ang album ng TXT na “The Chaos Chapter: Freeze” at sumunod naman ang album ng BTS na “Map of the Soul: 7”

Instagram