Ikaw ano talent mo?
Lahat tayo ay biniyayaan ng talento ng Poong Lumikha. May mga mahusay sumayaw, umawit, umarte, magluto, lumikha ng mga bagay bagay at kung anu-ano pang talento na dapat nating ipagpasalamat.
Ngunit nang magsabog ng talento ang Diyos sa pag guhit, tila malaking bahagi ang sinalo ng isang binatilyong pinoy na si Jestoni Rubantes o kilala bilang Guhit Jes. Pati ang international Media na Unilad ay napansin ang kakaiba at kamangha- manghang talento ni Jes at ginawan pa nila ito ng video sa Facebook na sa kasalukuyan ay mayroon ng 20k shares.
Gamit ang magkabilang kamay, kayang mag drawing ni Jes ng magka ibang obra maestra ng sabay. Ang malupit at kakaiba dito, ay tig apat na ballpen sa bawat kamay ang naka kabit gamit lang ang tape! Astig diba!
Bukod sa pag guhit gamit ang parehong kamay ng sabay, kaya rin ni Jes gumuhit gamit ang kanyang paa! Nagawa rin niyang gumuhit gamit ang ballpen na nakakabit sa kaldero! Certified talented! Truly pinoy!
Panoorin ang video at tiyak na mapapa “sana all“ ka na lang sa husay at galing ni Guhit Jes.
📷 @guhitjes2 Facebook