Proud to be Pinoy! Isang Filipino ang nagwagi sa prestigious Kah Kee Young Inventors’ Award sa Singapore sa paggawa ng Iron Man-like suit na maaring gamitin sa pang-araw araw na gawain.
“ARMAS” robotic suit ang pangalan ng imbensyon na pinagtulungang gawin ng mag-schoolmates at business partners na sila Dr. Rainier Natividad at Serene Wong, kung saan dalawa sila ay mga researchers sa National University ng Singapore.
Perpekto ito sa mga nanghihina na pero nais pa ring maging producive, sapagkat layunin ng ARMAS na palakasin ang may suot nito, tulad talaga ng suit ni Iron Man.
Bagama’t hindi ito naging katulad ng ginamit ng Marvel superhero, parehas naman ang kanilang layunin.
“It’s unique in that it’s an all-fabric construction. We don’t use anything metallic. As a result, our suit is incredibly light and it can be worn just like you’re wearing normal clothing,” ayon kay Dr. Rainier Natividad, CEO designate ng ArmasTec, batay sa ulat ng GMA News.
“We hope to empower everyone to be Iron Man of sorts to level the physical playing field for people of all ages and also different genders, so that they can carry heavy things and be productive as well,” dagdag ni Serene Wong, COO designate ng ArmasTec.
Magiging malaking tulong ang ARMAS robotic suit sa mga nagtratrabaho sa mga construction, delivery, at mga health care industries na nangangailangan ng tulong sa may mga back pains.
Ayon kay Natividad, nakatulong ang award na ito na magkaroon ng global recognition ang Pilipinas sa larangan ng science and engineering.
“As an engineer coming from the Philippines, we don’t usually get the chance to win awards like this so you can imagine I was super giddy during the ceremony,” he said.
Samantala, para kay Wong, ang award na ito ay isang daan para sa mga kababaihan na lalo pang makilala sa ganitong mga practices.
“I think, in terms of robotics, its’ not something that only men are interested in. I think even ladies can definitely benefit greatly from—having this productive tool,” aniya.