Isang simpleng Indonesian college student na tulad ng karamihan, nais niyang makatapos ng pag-aaral, pero salamat sa non-fungible tokens (NFT) at sa kanyang resoursefulness, bigla siyang naging internet sensation at milyonaryo!
Paano ito nangyari?
Halos araw-araw kumukuha ng selfie si Sultan Gustaf Al Ghozali, habang nakatingin siya sa kanyang computer sa loob ng limang taon! Isa siyang computer science student na nag-aaral sa isang University sa central city ng Semarang.
Kumita ang kanyang selfies ng mahigit $1 million sa isang platform ng NFT.
Noong una, plano niya lang gamitin ang kanyang collection ng halos 1,000 selfies sa paggawa ng timelapse video para sa kanyang graduation day.
Ngunit, nang matutunan niya ang blockchain technology, nagdesisyon ang 22-year-old na i-upload ang kanyang selfies sa NFT trading platform na OpenSea na may title na “Ghozali Everyday.”
“I was thinking it might be funny if one of the collectors collected my face,” sinabi ni Ghozali sa mga reporters sa kanyang university’s campus batay sa ulat ng Yahoo News.
“I never thought anybody would want to buy the selfies, which is why I only priced them at $3,” aniya.
Dahil sa NFT ang mga digital items mula sa mga illustration pati na rin mga memes sa virtual collectors’ items na hindi maaaring ma-duplicate.
Nagsimulang mag-upload si Ghozali ng kanyang mga selfie noong huling bahagi ng Disyembre 2021, hanggang may isang celebrity chef na nag-snap ng kanyang selfies nito lamang nakaraang linggo at nilagay sa kanyang social media account. Dahil dito umangat bigla ang sales ng kanyang NFT.
Sa mga sumunod na araw, mahigit 400 na tao ang bumili ng ownership ng expressionless photos ni Ghozali.
As of Friday afternoon, naka-kolekta ang collection ni Ghozali ng kabuuang trade volume na 317 etherium, kung saan katumbas nito ay mahigit $1 million!
“To be honest I still haven’t got the courage to tell my parents, they would be wondering where I got the money from,” paliwanag ni Ghozali.
Sa Twitter siya nag-uupdate ng kanyang OpenSea statistics.
“Today (I) sold more than 230+ (selfies) and until now I don’t understand why you want to buy #NFT photos of me !!! but i thank you guys for 5 years of effort paid off,” tweet niya noong Martes.
Balang araw, pangarap ni Ghozali na magpatayo ng kanyang sariling animation studio, plano niya ring i-invest ang pera na nakolekta niya at dagdag ni Ghozali, patuloy siyang kukuha ng selfie hanggang makatapos siya ng kolehiyo.
Currently, maraming oppurtunidad ang binibigay ng NFT, kailangan mo lang maging malikhain at maparaan.
(Yahoo PH)