Napapagod ka na ba? Pagod sa paulit-ulit mong ginagawa araw-araw. Gigising nang maaga upang magtrabaho at sa huli, kulang pa ang iyong kita para makakain ng sapat ang buong pamilya, dahil sa pinambayad pa ng utang. Gayunpaman, dapat huwag kang susuko, tulad ng ginawa ng isang vendor ng torotot.

Happy now, suffering later

Sigurado, tayong mga Pinoy ay nakaranas na tuwing araw ng kapaskuhan o bagong taon, may handa tayo sa lamesa. Mapa-simple man o bongga, kahit mangutang pa tayo para lang may pang-handa.

Tulad ng naranasan ni Manong Leonel Orendain. Sa kanyang Facebook page na Kuya Leo Cares, nai-kwento niya na dati, kapag araw ng kapaskuhan at bagong taon, madalas silang gumala kasama ang kanyang pamilya, kahit wala silang sapat na panggastos.

Kaya lalong lumaki ang kanilang utang. Dahil dito, buong taon naramdaman niya ang bigat ng problema, naghahanap siya ng paraan para makabayad ng utang.

“Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa”

Ngunit, ang kagandahan kay Manong Leo, nagbago sila. Naiintindihan nila ang problema at naghanap sila ng solusyon.

📷 @KUYA-LEO-CARES Facebook

Nag-aral sila kung paano mag-tinda, at sinabayan niya ito ng sipag, tiyaga at panalangin.

Pinatunayan niya ang mga kasabihang kadalasan nating naririnig, “kapag may sipag at tiyaga, may nilaga,” at “nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.”

Hindi mo akalain, na dahil sa pagbebenta niya ng mga torotot at laruan mula Disyembre 22 hanggang 31, kumita siya ng halos P150,000!

📷 @KUYA-LEO-CARES Facebook

Hindi naging madali ang kanyang lakbayin, hindi rin sila nakapag-handa noong nakaraang taon dahil sa sobrang abala. Gayunpaman, moving forward pa rin sila, ang mahalaga, may naiipon silang pera.

Ngayon, sinabi ni Manong Leo na sinalubong niya ang bagong taon na may magaan na pakiramdam.

“Kaya para sa akin, ang totoong basehan para tayo swertihin sa buong taon, dapat maging masipag at mananalig kay Lord, wala ng iba,” sabi ni Manong Leo sa FB.

📷 @KUYA-LEO-CARES Facebook

“Kahit punuin mo ang bahay mo ng mga bilog na prutas at maghanda ng bonggang bongga, kung hindi ka naman magsisipag sa buong taon, wala rin,” dagdag niya.

Kaya matuto tayo sa naging karanasan ni Manong Leo. Ipagpatuloy ang laban, huwag kang susuko kahit anumang pagsubok ang iyong maranasan. Sigurado kung tayo’y magsisipag at mananalig sa Diyos, pagpapalain ka rin sa tamang panahon.

https://web.facebook.com/KUYA-LEO-CARES-101942064545391

Instagram