Pag mayroong kang gustong subukan sa iyong pagbisita sa Pilipinas, yun ay ang mga street food. Tikman ang savory pares at binatog pati na rin ang matamis na iskramble at gulaman, pinagmamalaki ng mga local districts ng bansa ang iba’t-ibang mga pagkain na hindi mo dapat palampasin. Ang pinaka sikat sa lahat ng mga ito ay ang inihaw, at suwerte ang mga taga New York, hindi na nila kailangang sumakay pa ng eroplano para matikman ang sarap nito.

Dinala ng Filipino entrepreneur na si Robin John Calalo ang iconic street food sa Big Apple, at maniwala ka man o hindi, kumikita siya rito ng ₱800,000 kada buwan. Sinimulan niya ang business noong 2019, nagbebenta si Robin, o mas kilala bilang Boy Isaw, ng tunay na Pinoy grilled street food, narito ang betamax(dugo ng baboy), adidas (paa ng manok), helmet (ulo ng manok) at hindi malilimutan ang isaw (bituka ng baboy) kasama pa ang iba.

Boy Isaw BBQ
📷 @boy_isaw Instagram

Pumasok sa kaniyang isipan ang business habang siya’y nasa market at nanabik siya ng mga Filipino street food. Ayon sa isang panayam kasama ang GMA news, ang capital niya sa kaniyang business ay nasa $50 o ₱2,500. Kada stick ng Pinoy barbeque ay binibenta niya sa halagang $3.50 o ₱175. Ang isang order naman na may kasamang kanin ay may dagdag na $2 o ₱100.

Boy Isaw GMA News interview
📷 @boy_isaw Instagram

Matitikman ng mga Pilipino at iba pang dayuhan ang skewered products niya sa mga Filipino restaurants na Tradisyon at Amazing Grace, at iba pang mga food fairs. Sa labas nito, nagbebenta rin siya ng mga ready-to-grill barbeques, para pwede itong lutuin ng kaniyang mga customers at ma-enjoy ito sa sarili nilang tahanan. Dahil sa dumadami niyang mga cutomers, ang business niya ay kumikta na ng P200,000 kada linggo.

“I’m so thankful that I’m giving happiness and joy, not only to my fellow Filipino people but also to different races through my Filipino barbeque,” sabi niya.

Alamin pa ang street food business ni Robin sa New York @boy_isaw sa Instagram.

(Manila Bulletin)

Instagram