Naniniwala ka ba na may kayamanan sa basurahan? Basahin ang kwento ng isang Pinay na nakatipid ng halos P75,000 kada buwan dahil sa pangangalakal ng basura sa America.

Buried Treasure

Ang mga Pinoy, madiskarte talaga, at lalo lang itong pinatunayan ni Rona “Inday Roning” Meloche, isang Pinay dumpster diver na may American husband at isang toddler na anak; nakatira sila sa Florida, USA.

Mga prutas, gulay, organic eggs, meat, processed food gaya ng sausages, bottled juices, condiments, pati na rin snacks, lahat ng mga ito, nakukuha ni Rona sa loob ng basurahan.

“Never pa po kaming nabobokya sa pamamasura namin, sobrang dami po talaga,” aniya ayon sa ulat ng PEP.

“Hindi ko mabilang [worth of ] thousands of dollars talaga yung mga waste, foods, mga gamit dito.

Inday Roning Photo Screengrab at Youtube Channel

Dagdag niya na meron ding branded make-up items, chips, bags of chocolates, noodles, brand new novels, at maging electric equipment gaya ng hair dryer.

Sabi ni Rona, sa pagkain lamang, nakakatipid siya ng $1,500 kada buwan o P75,000 na gastuhin.

Isa rin siyang YouTube vlogger, sa kanyang channel pinapakita niya ang buhay bilang isang dumpster diver, na kung saan, tiniyaga niyang inspeksyunin ang kada dumpster sa Florida.

“Hello, mga kaibigan, kalkal basura na naman tayo,” ito ang karaniwang opening niya sa kanyang vlogs.

PROUD HUSBAND

Batay sa ulat ng PEP, very proud ang asawa ng Pinay dumpster diver sa kanyang ginagawa.

Ani Chris Meloche, “My wife is a very good cook, [she] saves money. It’s pretty cool.”

“She helps save money, our food budget. It stops the stuff from being wasted, just going to the dump, and get thrown to the garbage… vegetables, sometimes pizza, sometimes hotdogs.”

Inday Roning at the garbage dump, Photo Screengrab at Youtube Channel

“It’s many different things. It’s never the same thing all the time.”

“So, it’s kinda interesting. I’m proud of her. She’s doing a great job, she’s really enjoying.”

DISKARTE LANG YAN

Si Rona ay lumaki sa hirap at ang pagsasaka ang bumubuhay sa kanyang pamilya, kaya naman natuto siyang maging madiskarte sa buhay.

Sinabi niya sa isa niyang video, “So iyan, mga kaibigan, diskarte lang iyan. Hindi tayo mahihiya.”

“Bakit tayo mahihiya? Hindi naman tayo mag-feeling datu.”

“At saka yung dumpster diving, it really comes from my heart, na kami po family ko, nag-grow po kami sa farm.

Confidently niya ring sinabi, “Habang nabubuhay pa po ako, I will save food from the dumpster.”

“I am very proud po.”

(Pep.ph)

Instagram