Isang babae sa Bubog, Numancia ang matagal nang nabubuhay ng walang pakiramdam ang kalahati ng kanyang katawan.

Dating masiyahin at empleyado ng isang malaking kompanya sa Manila si Venus Pastrana bago dumating ang isang matinding trahedya na nagbago ng kanyang buhay.

Isang araw, habang nagmamadaling pumasok sa trabaho ay nahulog at dumaosdos si Venus sa hagdan mula sa ikalawang palapag hanggang sa groundfloor ng kanyang tinitirahan may labing-isang taon na ang nakakaraan.

Nagtamo ng bali sa spinal cord si Venus at kalahati ng kanyang katawan mula sa bewang pababa ay nawalan na ng pakiramdam.

Hindi na rin niya napapansin kapag-naiihi siya o dumidumi kaya lagi siyang nakasuot ng diaper habang nakaupo sa kanyang wheelchair.

“Maskin alin ang ubrahon hay owa gid-a ra it sensation,” saad nito habang hinahawakan ang kanyang mga binti.

Mula nang mangyari ang insidente at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin siya naoperahan dahil kapos rin sila sa pinansyal.

Tinapat na sila ng doktor na kailangan na niyang sumailalim sa operasyon dahil kung hindi ay posible itong mahulog sa cancer.

Si Venus ay may dalawang anak na lalaki na edad 18 at 13 taong gulang pa lamang.

Habang ang mister naman niya ay nag-asawa ng iba at mayroon na ngayong bagong pamilya.

Nangangailangan ngayon si Venus ng P60,000-P100,000 para sa kanyang operasyon.

Para sa mga nais na magbahagi ng kahit na kaunting tulong maari ninyo itong idaan sa istasyon ng Radyo Todo o magdirekta kay Venus sa pamamagitan ng kanyang FB na https://www.facebook.com/venus.pastrana.92.

Instagram