Nauwi sa iyakan ang sana’y masayang kasalan ng magkasintahang nagkakilala sa Facebook at magkarelasyon sa loob ng apat na taon at tatlong buwan.
Sabik na sana ang 32-year-old seafarer na si Ralph Waldo G. Landicho at 26-year-old Overseas Filipino Worker (OFW) na si Raquel F. Panganiban para sa kanilang kasal na nakatakda sana sa July 31.
Umuwi si Ralph ng bansa nitong June 4, at June 12 naman umuwi si Raquel mula sa Jeddah, Saudi Arabia.
Walang sinayang na oras ang soon-to-be goom mula nang umuwi ng Pilipinas para siguruhin na masusunod ang lahat ng plano para sa kanilang kasal.
“Kung saan-saan na po kami nagpunta. Bumaba siya ng barko at hindi agad kami nakapagpa-vaccine kasi super excited siya sa pag-aayos ng kasal naming,” ani Raquel sa panayam ng Manila Bulletin Lifestyle.
Sa kabila ng kanilang abalang schedule nagawa pa raw ni Ralph na magplano ng proposal ng hindi niya nalalaman nitong June 24 sa kaarawan ng kanyang Tito, “He surprised me with a proposal, even if our wedding day was already set. The venue was in the garden of my papa.”
Naganap naman ang pamamanhikan noong June 26, kung saan nagsimula na rin silang magsama sa bahay ng mga magulang ng bride, “We’ve been living together in my parents’ house.”
Handa at nakaplano na sana ang pero ilang araw ang kasal, nakaramdam ng sakit sa pangangatawan ang groom noong July 19.
“He wanted to get a massage so he could relax because he felt tired then—until he started having chills and fever on July 24. We went to the hospital for a checkup and the laboratory results were okay,” salaysay ni Raquel.
Pero dahil hindi pa rin gumagaling si Ralph, nagdesisyon sila na magpa-swab at doon nabatid na positibo ito sa COVID-19.
Gabi ng July 30, dinala nila sa ospital si Ralph at doon siya binigyan ng lahat ng gamot na makakatulong sa kanyang paggaling.
Inalala rin ni Raquel kung gaano nila pinapalakas ang loob ng isa’t-isa sa chat, “We encouraged one another. Ayaw pa mamatay ni hubby kasi dami pa niyang gustong mangyari sa buhay namin bilang magasawa, ganun din sa pamilya niya. Sinasabi nya palagi na, ‘Bebe, hinde pa ako mamatay. Magiging official pa ako?’ Dream niya maging official sa barko.”
“Bebe, uwi na tayo. Hindi tayo nababagay dito sa hospital,” sambit pa raw ng kasintahan ni Raquel.
“He would always tell me, ‘Mahal na mahal kita, asawa ko and I would tell him that I love him even more,” aniya pa.
Dumating ang August 3, pero mas lalo pang lumala ang kalagayan ni Ralph ayon kay Raquel, “His breathing got worse and his coughing was getting more severe. His oxygen level was going so low that he even finished around 20 oxygen tanks in less than 24 hours. He also switched to breathing using the high-flow oxygen machine already.”
Gusto pa raw sana nitong mag pa-intubate para lang mabuhay pero hindi niya nakayanan ang hirap, “He really wanted to get intubated so he could live, but he didn’t survive. Hindi nya nakayanan ang hirap. Kinuha na siya ni Lord.”
Sa parehong araw, na cremate si Ralph at unuwi ang kanyang abo sa kanilang bahay, “Mahirap. Masakit. Nakakapanghina. Wala kaming magawa kung hindi mag-iyakan ng mag-iyakan. Lahat pumunta at lahat ng nagmamahal sa kanya ay dumating, lalo na ang mga kaibigan ni hubby.”
Hindi pa rin maipaliwanag ni Raquel ang kanyang sakit na pinagdaraanan, “No words can describe. What I remembered on those days was I wasn’t listening to all the encouragement from friends around me. Sobrang sakit at sobrang hirap, kasi sobrang bait ng asawa ko, sobrang mapagmahal, at sobrang maintindihin kaya sobrang hirap na hirap ako (at kaming lahat) sa pangyayari.”
Pero ginagawa niya ang lahat para maka-move-on para kay Ralph.
“Pero pilit akong bumabangon para sa kanya pa din ayaw kasi nya na ako ay malungkot. Ayaw nya na ako ay nahihirapan kaya yung mga sinasabi nya nung si hubby ay nabubuhay pa yung mga sinasabi nya ang binaon ko para ako ay lumakas at bumangon.”
Isa rin sa nakasaksi ng kanilang pinagdaanan ang kapatid ni Ralph na si Roxanne Geronimo Landico na nagbahagi ng video compilation ng dalawa.
“Totoo ang COVID-19.Kelan ka maniniwala? Kelan ka mag iingat? Kelan mo aalagaan ang katawan mo? Kelan mo iisipin na mag ingat para sa sarili mo at para sa mga kapamilya mo? Ang akala namin na simula ng pagmamahalan na pang habang buhay, nanakawin lang pala ng pandemyang ito. All the “CONGRATULATIONS” turned to “CONDOLENCES”.*no copyright infringement intended*ctto of the videos,” sulat sa caption ni Landico.
(Manila Bulettin)