Matagumpay na ipanganak ng isang babae sa India ang kanyang panganay na si “Lalo” sa edad na 70 anyos.
Matapos ang 45 taong pagsasama, nabiyayaan na ng supling ang mag-asawang Jivunben Rabari at Valjibhai Rabari, 75 anyos, sa Western Gurujarat state, India.
Ilang dekada nang naghihintay ng anak ang mag-asawa bago nila sinubukan ang In-Vitro Fertilization o IVF.
Ang IVF ay isang proseso na kung saan tinatanggal ang egg cell ng babae mula sa obaryo, at ipe-fertilize ito gamit ang sperm cell ng lalaki sa laboratoryo.
Kapag na-fertile na ang egg, saka ito ibabalik sa bahay-bata ng babae para roon na tuluyang mabuo ang sanggol.
Lumapit ang mag-asawa kay Dr Naresh Bhanushali nang mapag-alaman ang tungkol sa IVF sa kanilang mga kamag-anak.
Ayon sa doktor, nasurpresa siya nang unang bumisita ang babae sa kanya para magpasailalim sa IVF, noong una ay hindi pa siya pabor sa gusto ng babae dahil delikado ito para sa kanyang edad hanggang sa napapayag siya nito.
“They first came to my clinic a year and a half ago. I was shocked when she said she wanted to have a baby. We kept telling her it is dangerous because of her age and even counseled her for three months. She said she is 70,” salaysay ni Dr. Naresh.
Sa una ay nag-aalala pa ang doktor pero pinawi ito ng pagiging positibo ng babae, “We were a bit wary but Jivunben kept us motivated. She is a very positive woman.”
Mataas raw ang blood pressure ni Jivunben nang manganganak na ito kaya kinailangan nilang gawin ang C-section.
“Her blood pressure was high and we had to deliver the child via C-section in the eighth month of the gestation period,” ani Dr Bhanushali.
Nakaantabay na rin aniya ang mga grupo ng doktor at cardiologist sakaling may mangyaring masama dahil sa kanyang katandaan, “We had a team of doctors including a cardiologist, a physician on standby … anything could have gone wrong because of her age but she was fine and gave birth to a healthy baby.”
Labis naman ang tuwa ng mag-asawa dahil sa nakamtan na nila ang matagal nang inaasam na anak sa kabila ng kanilang edad.