Hanggang ngayon ba ay umiinom ka ng gatas.

Alam niyo ba na hindi sa lahat ng pagkakataon ay maganda sa katawan ang pag-inom ng gatas.

Ang ideya ng pag-inum ng gatas ay tumatak na sa atin dahil ito’y nagpapatibay ng buto, ngunit lumabas sa mga pag-aaral na ang sobrang pag-inom nito ay nakakarupok.

Tama nga naman na ang lahat ng bagay na sobra ay nakakasama din.

Ayon sa pag-aaral ng Health Professionals Follow Up Study at Nurses’ Health Study, lumabas sa kanilang research na ang maraming beses na pag-inum ng gatas sa loob ng isang araw ay hindi nakakatulong sa pagpapatibay ng mga buto kundi nagiging mataas ang pagkakaroon ng hip fracture.

Habang sa panig naman ng mga kalalakihan, ang labis na pag-inum ng gatas ay maaring magdulot ng prostate cancer gayundin ang cardiovascular disease at aging.

Dagdag pa ng mga eksperto, ang labis na calcium sa katawan ay nagpipigil ng activation sa vitamin D na siyang humaharang sa pagtubo ng tumor.

Payo pa ng mga dalubhasa, para mapanatiling malusog ang mga sarili, huwag magpasobra sa calcium intake.

Instagram