Dahil sa pandemya dulot ng COVID-19, kinakailangang i-practice ang minimum health protocols tulad ng social distancing.

Ipinagbabawal din ang PDA o Public Display of Affections, halimbawa na dito ang pag-holding hands.

Ngunit ayon sa mga eksperto, ”socially acceptable” ang nasabing public act of intimacy na pagholding-hands o paghahawakan ng kamay ay may magandang epekto sa ating kalusugan.

Ayon kay experimental psychologist Dr. Matt Hertenstein, ang pagholding hands ay napatunayang nagpapatibay ng relasyon, nagpapababa ng anxiety, at nakakabawas ng stress at nakakawala ng sakit.

Ito ay dahil tuwing tayo ay may kayakap o may ka-holding hands, ang ating katawan ay nagre-release ng “feel good” hormones.

Ang mga hormones na ito ay kinabibilangan ng oxytocin, dopamine, at serotonin.

Kapag ang hormones ay na-release sa ating katawan, tayo ay nakakaranas ng kasiyahan, relaxation, nakaka-ganda ng ating mood, at nagpapababa ng level ng depression.

Kaya, do yourself a favor, yakapin sa lahat ng pagkakataon ang inyong mga minamahal.

Instagram