Ikaw ba’y sobrang workaholic? Iyong sobrang subsob sa pagtatrabaho?
Ang trabaho mo ba’y may kinalaman sa computer o more on computer works?
Alam niyo ba na kung mapanganib ang paninigarilyo ay mas nakakamatay pala ang ilang oras na pagtatrabaho sa harap ng computer.
Sa isang pag-aaral ng The Telegraph, ang pagtatrabaho umano sa harap ng computer ay itinuturing bilang “desk job, the new smoking.”
Ito’y dahil ang mga nagtatrabaho sa harap ng computer ng walong oras o higit pa ay mas mataas ang risk ng ‘premature death’ na umaabot hanggang 60 percent.
Inihalimbawa dito ang limang milyong namamatay sa buong mundo dahil sa pagkakaroon ng sedentary lifestyle o iyong walang physical activity, madalas naka-upo at nakatutok lang sa computer.
Ayon kay Professor Ulf Ekelund, Senior Investigator Scientist ng Cambridge University, dapat iwasan ng mga tao ang ganitong lifestyle dahil maari itong magresulta sa premature death.
Pahayag pa ni Ekelund na magkaroon ng lima hanggang sampong minutong break kada oras upang maiwasan ito.
Maaring maglakad-lakad ng sandali o kahit paano’y mag-stretching basta’t ipahinga muna ang sarili sa pagharap sa computer.
Ika nga ng mga eksperto, “Prevention is better than cure”.