Tumaba ka ba mula ng mag-asawa ka? Pati ba ang partner mo, tumataba na rin?

Worried ka ba, dahil habang tumatagal ang pagsasama niyo ng partner  mo ay tumataba ka na?

Naku, worry no more dahil hindi naman ito nakakabawas sa charm mo.

Alam mo ba na ayon sa pag-aaral ang pagtaba umano ng mag-asawa ay senyales ng pagiging masaya sa relasyon.

Batay sa pag-aaral na isinagawa ng University of Queensland sa Australia, ang asawang babae na nasa masaya at maayos na relasyon ay tumataas ang timbang. Ang pagkakaroon kasi ng happy relationship ay may maraming positibong epekto sayo at sa partner mo, maliban sa isa… ang pagtaba.

Mula sa mahigit 15,000 katao na isinailalim nila sa pag-aaral, lumabas na ang mga couple o mag-asawa na masaya sa relasyon ay nadadagdagan ang timbang ng 13 pounds.

Samantala ang mga single at problemado naman sa kanilang mga partner ay meron lamang four pounds na weight gain.

“Marriage (or de-facto relationships) comes with spousal obligations such as regular family meals,” ayon pa sa mga researchers.

“While they may include more healthy foods such as fruits and vegetables and less fast food, people often consume larger portion sizes and more calories in the company of others than they do alone, resulting in increased energy intake” dagdag pa nila

Kapag masaya ka kasi sa iyong relasyon, hindi mo na namamalayan na nagiging habit niyo nap ala ng partner mo ang kumain ng kumain hanggang sa hindi niyo na rin namamalayan na tumataba na kayo pareho. Wika nga nila, “relationship goals”.

Instagram