Noong tayo ay musmos pa lamang, palagi tayong umiiyak kapag tayo ay pinapabayaan o pinapagalitan ng ating mga magulang.

Subalit noong nagka-edad na, ang iba sa atin imbes na umiiyak kapag emosyunal, ay tinatago na lamang natin ang ating mga luha.

Ayon kay Dr. Timothy Legg, isang psychiatric mental health nurse practitioner at licensed psychologist sa United States, hindi dapat mahiya kung gusto nating umiiyak dahil sa pamamagitan nito, mas natutulungan ang ating katawan na maka-release ng oxytocin at endorphins na nagbabawas ng physical at emotional pain.

Ang ‘all out’ na pag-iyak ayon sa doktor ang pinaka-importante dahil ang mga malalaking butil ng luha ang may dala ng lysozyme na ito ang pumapatay sa mga bacteria sa ating mga mata.

Aniya, ang pag-iyak kapag nalulungkot at nasasaktan ay makakatulong din sa pag-moist sa mga mata upang maiwasan na matuyo ang mucous membranes na nagre-resulta sa blurred vision.

Ngunit paalala ng mga doktor, nararapat na magpunta sa psychiatrist ang mga tao na halos araw-araw at palaging umiiyak dahil posibleng sintomas na ito ng iba pang sakit tulad ng depresyon.

Instagram