Nakakita ka na ba ng taong kinakagat ang kanyang kuko?

Baka iyang katabi mo, ilang kakilala, miyembro ng iyong pamilya o baka ikaw mismo ay ‘unconsciously’ nagni-nail biting.

Alam niyo ba na ito pala ay isang senyales ng obsessive compulsive disorder.

Ang ‘nail biting’ o pagkagat ng kuko ay isa sa mga human habits na itinuturing na masama at ang iba ay may kaugnayan sa psychology.

Madalas na ang mga taong may ganitong habit ay nakakatanggap na hindi magandang komento, gaya ng walang pagkain sa bahay.

Ayon sa pag-aaral ni Dr. Kieron O’Connor, ang pagkagat sa kuko ay walang kaugnayan sa nerve issue kundi resulta ng pananabik ng ‘perfectionism’.

Base sa ibang pag-aaral ng mga eksperto, ito ay marahil isang paraan upang maging relax, stress free, busy at ‘diversion for being hungry’ o simpleng pampagaan ng pakiramdam.

Ayon naman sa WebMD ang nasabing habit ay palatandaan ng Obsessive Compulsive Disorder (OCD).

Dahil dito ay hindi namamalayan ng isang indibidwal na paulit-ulit o sumosobra na pala siya sa kanyang mga maliit na ginagawa o ‘unnoticable’ mannerism dahil nakukuha niya dito ang kapanatagan ng kanyang kalooban.

Samantala ang health hazards naman na resulta nito ay ang pagkakasira ng nail shape, impeksyon, pagkakuha ng harmful bacteria ng bunganga at katawan, masamang personality traits at sa harap ng ibang tao.

Maari naman itong maiwasan sa pamamagitan ng paggawa na ibang habit tulad ng paggamit ng stress balls o basta gawing busy ang sarili.

Marahil hindi ito uubra sa iba ngunit mas makabubuti kung tutulungan natin ang kakilalang nakakaranas nito sa pamamagitan ng paggabay sa kanila at upang maiwasang sila ay ma-bully dahil sa kanilang kalagayan.

Instagram