Madalas ba na walang gana o wala sa mood makipag-love making si mister o misis?
Iyong ikaw na ‘yong nangangalabit, pero hindi ka rin pinapansin?
Alam niyo ba na batay sa pag-aaral mayroong mga “weird” o “surprising reason” kung bakit wala sila sa mood makipag-lovemaking?
Sa isang pag-aaral na nailathala sa Reader’s Digest, ang ilan sa mga dahilan ay:
Problema sa pera – Ayon kay Crystal Hollenbeck, isang lisenced mental health counselor, ang financial problem ng mag-asawa ay pwedeng magresulta sa depression at kawalan ng gana sa maraming bagay kabilang na ang pakikipagtalik. Ito ay dahil ang lagi mo na lamang iniisip ay kung paano ka magkakaroon ng pera.
Infedility – Kapag mayroon ka ng ibang karelasyon, nawawalan ka na ng gana sa iyong partner. Ito’y dahil ang tanging iniisip mo na lamang ay ang iyong karelasyon.
Tension sa relasyon. – Kapag ang magkarelasyon o mag-asawa ay nag-aaway o may samaan ng loob, nahihirapan ang mga ito na magkaroon ng sexual drive. Kaya kahit piliton mo pa ito, hindi rin magiging successful ang resulta ng inyong love-making.
Walang tiwala sa sarili. Nakakawala din ng gana sa inyong mga partner ang kawalan ng tiwala sa sarili. Ito ay dahil sa tingin ng partner mo, hindi ka niya kayang i-satisfied. Maliban dito, mayroon kayong mga paniniwala na taliwas sa isat-isat.
Lack of hygiene and etiquette. Ang proper hygiene at etiquette ay mahalaga sa bawat indibidwal lalo na sa inyong mga partner o asawa. Kapag ikaw ay kulang sa hygiene, iniisip mo na baka ma-disappoint mo ang iyong karelasyon.
Samantala, ayon naman sa pag-aaral ng American Psychology Association, ang panonood ng porn ay nakaka-apekto rin kung bakit nawawalan ng gana makipagtalik ang isang tao. Ito ay dahil nauubos na ang kanyang oras sa panonood nito at pagpapantasya kaysa aktwal itong gawin kasama ang kanyang partner.
Source: theAsianparent, Reader’s Digest