Maingat ba kayo sa mga salitang binibitawan niyo?
Alam niyo ba na ayon sa mga eksperto, maaring malaman ang mental condition ng isang tao sa pamamagitan lamang ng kanyang mga salitang ginagamit?
Ang paraan ng pakikipag-usap ng isang tao ay daan kung paano mo makilala ang kanyang buong pagkatao.
Ngunit sa bagong pananaliksik ay lumabas na kung paano magsalita ang isang tao ay nasasalamin ito sa kanyang mental health.
Ayon sa dalubhasa mula sa University of Reading ang speech pattern ay maaring magpahiwatig kung ang isang indibidwal ay depress o hindi.
Ayon kay Mohammed Al-mosawi, isang researcher, ang mga taong depress ay gumagamit nga mga salitang naglalarawan ng mga negatibong emosyon gaya ng pagiging malungkot.
Dagdag nito na ang isang indibidwal na depressed ay palaging gumagamit ng ‘first-person pronouns’ gaya ng ako, kami, tayo.
Sa pagtaya ng World Health Organization (WHO) mahigit 300 million katao sa buong mundo ang namumuhay na may depression na nangangailangan ng mas maraming tools upang mamonitor ang kondisyon at mapabuti ang kalusugan at maiwasang ang tinatawag na ‘tragic suicide’.