Bukod sa katawan, kailangan din nating pangalagaan ang ating mental health.

At para magawa ‘yan, ito ang ilang tips para mapatalas ang ating isip.

Ang utak natin ay isang flexible organ na nagseserbing storage ng mga alaala at mga natutunang impormasyon.

Pero gaya ng ibang bahagi ng ating katawan, kailangan din nito ng workout para mapanatili na nasa maayos na kondisyon.

Base sa mga pag-aaral isa sa proven brain boosters ang pakikinig sa classical music.

Naa-activate umano ng sound waves ang nerve cell circuits ng utak na responsable sa mas mabilis na pag-iisip.

Nakakatulong din ang pag-amoy ng herbs na may mint aroma, tinatarget kasi nito ang amygdala o bahagi ng utak na nagko-kondisyon sa ating emosyon.

Totoo rin ng laughter is the best medicine pagdating sa ating mental health.

Sa pamamagitan ng pagtawa, nababawasan ang stress hormones na nagpapabagal ng memorya.

Makakatulong din ang physical meditation at ehersisyo para sa normal na oxygen flow sa ating katawan na kailangan din ng utak.

Ugaliin din na matulog ng sapat para ma-repair ang damage neurons na nagamit sa buong araw na pag-iisip.

Instagram