Sa mga may long distance relationship diyan, active pa ba ang inyong ‘sex life’?
Alam niyo ba na ayon sa pag-aaral, ang matagal na walang pagtatalik ay maaaring magpahina ng immune system.
Sounds weird hindi ba? Pero usapang seyensya ito at dagdag kaalaman para sa mga mag-asawa.
Ayon kay Dr. Cory B. Honickman, modern monogamy consultant sa Los Angeles California ang ating immune system ay nagiging mahina kapag matagal na hindi nakikipagtalik.
Dagdag pa ni Honickman, para maka-iwas sa trangkaso, “have more sex”.
Ayon naman Yvonne K. Fulbright, PhD & Sexual Health Expert ang mga taong may ‘active sex life’ ay may mataas na resistensiya ang katawan laban sa germs, viruses o anumang aatake sa kalusugan.
Sabi ng mga eksperto ang pagtatalik ng once or twice a week ay kadalasang mainitin ang ulo at sakitin.
Ito ay dahil humihina ang produksiyon ng isang klase ng hormone na nagpapalakas sa sistema ng katawan kontra sakit.
Sa isang pag-aaral, lumabas na ang mga taong hindi nakikipagtalik ng matagal na panahon ay nahihirapang harapin ang stressful na mga sitwasyon.
Ayon sa ibang pag-aaral mas nagiging ‘good looking’ ang isang tao after sex.
Ito ay dahil sa may oxytocin na nari-release during sex at ito’y hindi masama kundi healthy.
Ayon kay Dr. Lulu Marquez, “kapag nagkaroon ng true orgasm, ang matres, ang uterus nagko-contract, the more oxytocin hormone will be released.”
Samantala, paalala ng mga eksperto, may ibang paraan upang maibsan ang stress, tulad ng pag-eehersisyo, paglabas kasama ng mga kaibigan, at iba pang aktibidad.