Napapagod ka na dahil palagi nalang kayong away-bati ng iyong jowa?
Alam mo ba na “the couples that argue together, stays together”?
Ayon kay Joseph Grenny, co-author ng The New York Times, karamihan sa mga magkaka-relasyon ang ayaw pag-usapan ang mga sensitibong isyu dahil ayaw nilang mauwi ito sa pagtatalo.
Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, ito’y makakabuti para sa kanilang relasyon.
Ang poor communication ang isa sa mga dahilan ng ‘failed relationship’, pahayag pa ni Grenny.
Bilang bahagi ng relasyon, may tatlong bagay na mahirap pag-usapan, ito ay ang tungkol sa sex, finances at ang mga irritating habit dahil kadalasan hindi lahat ng mga magkarelasyon ay ‘open-minded’.
Payo ng mga eksperto dito, para maging maayos ang pakikipag-diskusyon sa iyong partner ay huwag agad manghusga kundi makinig muna.
Ang pagiging bukas aniya sa pakikipag-usap sa iyong partner ay isang senyales na maging interesado siya na pakinggan ka at maging tapat sayo.
Ang pakikipag-‘argue’ ay isang paraan din para mailabas ang ating emosyon.
Samantala ang pinaka-mabilis na pumapatay sa ating mga emosyon ay iyong hinahayaan natin itong sumabog nalang.
Kaya dapat ugaliin na maging ‘open’ sa ating mga nararamdaman kapag nasa isang relasyon.