Babala sa mga mahilig kumain ng instant foods, French fries at dairy products.

Ayon kasi sa Food and Drug Administration o FDA ang mga nabanggit na pagkain ay mayaman sa artificial trans-fat na maaring magdulot ng memory loss o pagkawala ng memorya.

Lumabas sa memory test na isinagawa ni Dr. Beatrice Golomb sa University of California sa San Diego, mataas sa trans fat consumption at mas mabilis humina ang memorya ng isang tao nasa edad 45 pababa.

Bukod dito, ang mataas na trans fat consumption ay may malaking epekto din umano sa behavior, mood at iba pang brain function.

Ang artificial trans fat o hydrogenated vegetable oils ay nabubuo kapag kumain ang isang tao ng mga pagkain maraming mantika.

Payo ng FDA, limitahan o mas makabubuti kung iwasan na ang pagkain ng mga instant food gaya ng instant noodles, ice cream, pancakes at junkfoods.

Lagi rin umanong i-check ang mga ingredients ng mga dairy products upang maiwasan ang paghihina n gating mga memorya.

Instagram