Single ka ba at naiingit sa mga kaibigan mo na “in a relationship”?

Naku, okay lang yan besh, dahil alam mo ba na napatunayan sa pag-aaral na ang mga taong single ay mas malaya kumpara sa mga taong ‘taken’?

Ayon kasi sa pag-aaral ang pagiging single ay may maraming benepisyo sa isang indibidwal.

Sa pag-aaral ng lifehack.org,  sinasabing kahit ikaw ay walang ka-bebe time ay may mga bagay ka paring magagawa na hindi magagawa ng mag-jowa.

Isa na dito ang pagiging spontaneous sa mga bagay gaya ng kung gusto mong magtravel, alis agad!

Gusto mong lumabas at mag-shopping?  Bili agad!

Ito ay dahil wala kang kailangang opinion o feelings na magiging hadlang sa mga gusto mo sa buhay.

Dagdag pa ng mga eksperto, kapag ikaw ay single makakapag-focus ka sa iyong sarili.

Kapag single kasi ang isang tao ay mas makikila mo ang iyong sarili.

Malalaman mo ang mga bagay na kaya mong gawin at hindi.

Makikita mo rin ang mga bagay na hindi mo makikita kung nakatuon ang iyong atensyon sa iyong partner.

Maliban dito, kapag ikaw ay single, nandiyan pa rin ang thrill at excitement sa paghahanap ng magiging partner.

Obviously, ang mga magpartner ay may sariling joy ngunit ang pagiging single ay nagbibigay sayo ng kalayaan na makilala at landiin ang kahit sino na tingin mo ay bagay para sayo.

Ilan lamang ito sa mga benepisyo ng pagiging single.

Kaya huwag ka nang malungkot  kung wala ka pa ring jowa, isipin mo na lamang na may mga bagay kang nagagawa na hindi kaya ng mga taong nasa ‘in a relationship’ na.

Instagram