Ang galing talaga ng imahinasyon at pagkamalikhain ng isang tao, lahat ng akala nating impossible nagiging reyalidad tulad lamang ng pinatayong bahay sa Colombia na ngayo’y isa nang tourist destination!
Makikita ang “Casa Loca” o mas tinatawag na upside down house sa Guatavita ng Colombia, malapit lamang sa capital, Bogota.
Si Fritz Schall, isang Austrian ang nag-disenyo at ang nagmamay-ari ng kakaibang bahay; nakatira siya sa Colombia kasama ang kanyang pamilya.
Sa loob ng upside down house, makikita ng mga turista na ang kisame ay naging sahig ng bahay.
Lahat ng mga furniture ay nasa opposite direction ng isang typical na building. Ang konstruksiyon ay may inclination na 5 degrees sa kaliwa at 5 degrees pabalik, dahil dito nag-gegenerate ito ng “optical” illusion sa mga visitors.
“The pandemic slowed us down a bit, but it’s done now,” sinabi ni Schall batay sa ulat ng Reuters.
Naging “upside-down” ang buhay ng karamihan sa atin dahil sa pandemiya, at kadalasan “in shocking or upsetting ways.” Ngunit, para sa mga turista ng Casa Loca, tila nagbibigay ito ng lighthearted relief mula sa mga restriksyon at iba pang paghihirap.
Enero 8 nagsimula buksan ni Schall ang upside-down house sa publiko, at wala pang isang buwan, mayroon na agad itong daan-daang turista.
Sabi ni Schall na hindi naging madali ang pagtayo ng bahay, “People didn’t believe in this,” gayumpaman napatunayan niya na walang impossible basta huwag ka lang titigil.
📸: REUTERS/Luisa Gonzalez
(Reuters)