Sa kauna-unahang pagkakataon ay naitala diumano ang isang decuplet birth sa South Africa.

Nanganak ng umano ng decuplets o sampung (10) sanggol ang isang 37 anyos na si Gosiame Thamara Sithole.

Ayon sa kanyang mister na si Teboho Tsotetsi, pitong (7) lalaki at tatlong babae ang ipinanganak ng kanyang asawa.

Sinabi pa niya na inakala nilang walong baby o octuplets lang ang dinadala ng kanyang misis matapos itong ieksamin ng doktor.

Mismong si Sithole ay hindi rin makapaniwala at napa-search pa sa internet kung posible ba na manganak ang isang babae ng ganun karaming sanggol.

“I didn’t believe it. I doubted it. I was convinced that if it was more [than one], it would be twins or triplets, not more than that. When the doctor told me, I took time to believe it,” sambit niya.

Normal na ipinanganak ang 5 bata habang 5 din ang na caesarean.

Maaaring maagaw ni Sithole ang Guinness World Record kay Nadya Suleman, isang Amerikana na nanganak ng 8 premature na sanggol noong 2009 at 25-anyos na Morroccan mom na nanganak ng 9 na sanggol nitong Mayo.

Iniimbestigahan na ngayon ng Guiness ang pangyayari.

Samantala, inilahad ng Guateng government na wala silang record na may 10 sanggol na ipinanganak ng sabay sa Pretoria ngayong linggo.

“We have no record of the 10 babies at any Gauteng hospital. Unless if they were born in the air, we checked both private and public hospitals and no-one knows about the case. Another question is, where are the obstetricians who delivered the babies and the pediatrician who is looking after them? No-one is coming forward.”

Dagdag pa ni Thabo Masebe, spokesperson ng provincial government na ang mga ganitong kaso ay karaniwang nasa mga pribadong ospital para maiwasan ang mga legal complications

Instagram