Sa isang viral na Tiktok video, mapapa-hanga ka sa dila, at sa tapang ng isang dalawang taong gulang na bata na nakayanan kumain ng samyang instant ramen noodles.

Proving you are never too young to eat and handle spicy foods.

Ang Korean Samyang ay kilala bilang isa sa pinakamaahang na instant ramen noodle, pero, na-conquer ito ng isang bata na halos baby pa lamang.

Noong mga nakaraang taon, naging sikat ang Fire noodle challenge kung saan uubusin ng mga challengers ang buong serving ng samyang noodles.

Karamihan sa mga matatapang na sumubok sa challenge, napaluha sa sobrang ahang ng noodles, hindi mo maiiwasan na uminom agad ng tubig matapos kumain lalo na sa mga hindi sanay sa maaanghang.

Ngunit, sa isang naging viral na TikTok Video ni @workingwithmonolids, makikitang nakayanang kainin ni ” Baby Evee” ang ilang strands ng Samyang noodles para lang ipakita sa kanyang ina na kaya niya.

“Are you sure it’s not too spicy?” tanong ng ina sa kanyang anak na may flushed cheeks na. Pero hindi nag-back down si Baby Evee at patuloy pa ring kumain.

“Okay, you can have more,” sabi ng ina na nagulat at namangha kay Baby Evee na carry niya pa ring kumain samantala siya, hindi na kaya.

Pinag-sabihan ng ina ang kanyang anak na huwag nang pilitin kumain sapagkat maahang talaga kahit para sa kanya.

Sa video, maririnig na sinisipon na ang ina sa sobrang anghang ng samyang at sinabi niya na, “Evee, if it’s too spicy, it’s okay. This is too spicy even for mummy. Can we stop?”

Sa bandang huli ng video, humingi na rin ng tubig si Baby Evee at sinabing, “Bit too spicy.”

Sa loob lamang ng dalawang araw, mayroon na agad itong mahigit 200,000 views.

Paano na lang kaya kapag tumanda si Baby Evee? Good luck Mommy.

@workingwithmonolids

The teenage years will be scary. ##helpme

♬ original sound – Baby Evee

Instagram