Warning! Pasintabi sa mga kumakain. Babala sa mga taong mahina ang sikmura.
Tayong mga pinoy, kasama na sa kultura natin ang kumain ng mga street foods. Swak na pang meryenda, pulutan, pamatid gutom. Paborito natin ang kwek-kwek, fish balls, betamax at kung anu-ano pang tinutusok at iniihaw. Kasama na rito ang isaw o bituka ng manok.
Siguradong maglalaway at hindi ka makakatanggi rito, lalo na kung isawsaw sa maanghang na suka o manamisnamis na sauce.
Ngunit pandidiri at pagkayamot ang inabot ng isa nating kababayang mula Cebu na si Rhyan Zamora. Ang inakala niyang masarap at malalaking isaw, pagkagat ni Rhyan, may extrang palaman sa loob! Ang kadiring palaman, mga patuka at mga kinain ng manok. Nako po! Ang isaw naihaw ng hindi pa nalilinis.
Sa facebook na lamang nai post ni Rhyan ang kanyang pagkadismaya at larawan ng kanyang yummy isaw sana, na takam na takam sana siya dahil mukhang malalaki ito. Kaya pala pintog na pintog at mukhang malalaki, may di kanais nais na laman pala ito sa loob.
Pinagsabihan rin niya sa kanyang facebook post ang pinagbilhan na dapat linising maigi ang mga isaw na binibenta.
Umani na ng mahigit 3k comments at 15k shares ang post na ito ni Rhyan.
Nakakalungkot man ang karanasan ni Rhyan sa isaw, mag silbing aral sana ito sa mga adik sa street foods.
Kaya maging maingat sa binibiling street foods. Maging mapanuri tayo sa mga pagkaing ating kinakain. Lalo na sa panahon ngayon na mahirap magkasakit.
📷 @Rhyan Zamora Facebook