Trending at viral ngayon ang kwento ng karanasan ng isang dancer noong kumuha siya ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), sino siya? Alamin at basahin.
Dahil sa kanyang pananamit, napuna siya ng staff ng DSWD kung kailangan ba niya talaga ng ayuda, ito ang major plot ng kwento ni Mylene Nocon o mas kilala na ngayon bilang Ayuda G.
Si Ayuda G. ay isang TV personality at dancer ng Lunch Out Loud PH na palabas sa TV 5; ibinahagi niya ang kanyang naging karanasan sa Facebook.
Noong araw nang bigayan ng ayuda sa kanilang baranggay, bilang bahagi ng programa ng DSWD, naka-suot ng puting dress at mga mala-gintong alahas si Ayuda G.
Sa malayuan, aakalain mo na siya si Angel Locsin 😅.
Sulat niya sa kanyang FB:
Ate DSWD : sure ka po bang need nyo ng ayuda.
Me : 🙄🙄🙄
Alam kong maganda sakin ang dress na to te pero mura lang to nasa 300 lang to. Mga gold ko dati pa tong panahon na may trabaho pa ako (karamihan pa dito hindi tunay 🤣) Almost year akong walang trabaho. Ngayon pa lang ako bumabangon🙄🙄
Parang pala desisyon ka ate🙄🙄🙄
Dahil dito, nagnanais si Ayuda G na next time, sana huwag silang mag-base sa appearance ng isang tao at binigyan din niya ng diin ang lumang kasabihang, “Don’t Judge a Book by its Cover.”
Bat kailangan maging mukang gusgusin pag kukuha ng ayuda? E lahat ng tao need ng pera lalo na sa panahon ngayon. Hirap sating mga pilipino mindset natin iba ih, sulat niya.
hindi bat dapat kaming mga nawalan ng trabaho ang isa din sa priority ng gobyerno dahil kaming mga may trabaho ang mas apektado ng pandemya? Kesa sa mga taong sinasabi nyong mahihirap e wala naman talagang mga trabaho ang iba sa kanila bago pa magpandemya?? Paki explain labyu mwah, dagdag niya.
Nilinaw naman ni Ayuda G na wala siyang galit sa DSWD at ibinabahagi niya lang ang kanyang mga “thoughts.”
Hindi naman tayo galit sa DSWD, na-share ko lang ang naiisip ko dahil naisip ko lang ang mga taong may mga KAYA na kaibigan natin na hindi nag kaka ayuda. Isa lang naman ang punto i-trato natin ang isat-isa ng pantay. At matagal ng kasabihan ito “DON’T JUDGE A BOOK BY ITS COVER”
Pag nakalista yan siguro naman deserve nya na yung AYUDA na para sa kanya.
Nagpasalamat din siya sa DSWD sa pagbigay sa kanila ng ayuda.