Maging ang sikat na social media influencer na si Rev. Fr. Joseph Fidel Roura ay nastarstruck kay Maine Mendoza.

Siya kasi ang nagkasal sa kapatid ni Maine na si Coleen Mendoza nitong Sabado, May 21, 2022 kung saan naging bridesmaid ang aktres.

Sa Facebook, sinabi ni father na kakaiba ang appeal ni Maine.

“Napakarami ko nang ikinasal pero ngayon lang ako nadistract sa maid of honor. Iba din kasi talaga ang appeal ni Maine Mendoza.

“‘Yong pwede namang ‘di na tawagin ang best man at maid of honor dahil nasa harap ko na ‘yong arrhae and rings pero tinawag ko pa rin haha. Para-paraan lang ‘yan✌️😁,” caption niya sa Facebook post.

Si  Rev. Fr. Joseph Fidel Roura ay sikat sa kanyang mga viral na homily sa social media at mayroong 3.3M followers sa Facebook.

Photos from Rev. Fr. Joseph Fidel Roura/Facebook Page

Instagram