Nakalikom ng mahigit P300,000 ang mga supporters ng Uniteam para mabayaran ang utang ni Miss Q&A 2018 winner Juliana Parizcova Segovia.
Matatandaang lumitaw online ang lumang Facebook messenger conversation ni Juliana sa isang kakilala tungkol sa kanyang utang na kung saan nakabalandra rin ang pangalan at cellphone number ng kanyang ina.
Kaugnay nito, naglabas ng pahayag si Juliana sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong March 24, 2022.
Bagamat hindi niya direktang sinabi, ipinahiwatig ni Juliana na may kinalaman sa pulitika ang pagkalat ng naturang lumang convo.
Hayagan kasi siyang sumusuporta sa kandidatura nina presidential aspirant at Senator Ferdinand Marcos Jr. at vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte.
https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fjulianapsegovia%2Fposts%2F505105991188655&show_text=true&width=500
Nakarating kay Krizette Laureta Chu ang tungkol dito at nagsimula ng fund-raising activity sa Facebook post nito kahapon, March 25.
Wala pang isang araw mula ng ipost nito ang fund raising ay nakalikom sila ng PHP248K sa GCash at PHP67K sa bank account.
Todo naman ang pasasalamat ng komedyante sa pagtutulungan ng mga supporters ng Uniteam para mabayaran ang kanyang utang.
Ibinahagi rin ni Krizette sa kanyang FB ang mensahe ng pagpapasalamat ni Juliana para sa mga nagpaabot ng tulong.