Super relate ang mga Pinoy sa bagong joke na ginawa ni Fil-Am comedian Jo Koy patungkol sa kaugalian ng mga Pilipino na mahilig mag-recycle ng mga plastic containers at ginagawing “Tupperware” tubs.
Ginawa niyang home TV shopping channel-style ang video na makikita sa kanyang Facebook kung saan kumpleto pa ito ng mga crawlers at promo information.
Sa video, pino-promote ni Jo Koy ang kagandahan ng tupperware ng mga Pinoy.
“Why get Tupperware? You can get Filipino Tupperware for half the price!” panimula ni Jo Koy.
Sinabi niya na isa sa mga benefits ng mga repurposed containers ay hindi mo malalaman kung ano ang magiging laman nito at maraming kang maaring ilagay rito.
Bakit daw itatapon ang mga nagamit na container, samantala maaari pa itong maging lalagyanan ng pencil, pens o mga barya, aniya.
Sounds familiar?
Marami ka pang maaring ilagay depende sa lalagayan, soup, salsa pati rin leftover ng beef stew, pwedeng-pwede, sabi ni Jo Koy.
Dagdag niya rin na ang promo para sa seven-piece container ay may kasamang libreng sewing kit, isang bagay na tiyak na makikita sa bawat tahanan ng mga Pinoy.
Sigurado, makaka-relate ang mga Pinoy na naloko ng lalagyan ng ice cream na ang laman pala ay mga isda sa freezer.
Sa kasalukuyan, mayroon na itong 90K reactions, 7.1k comments at 23K shares.