Naging laman ng usap-usapan sa social media ang presyo ng tickets sa unang major concert ng rap group na Ex-Battalion na mapapanood ng live online.

Maraming netizens ang nawindang sa halaga ng mga ticket na naglalaro sa P300 hanggang P35,000 para sa mga VVIP.

Nilinaw naman ng producer ng concert na sir RS Francisco na sulit naman ang babayaran ng mga bibili ng VVIP ticket dahil marami itong “freebies”.

Ang mga bibili ng P20,000 ticket ay magkakaroon ng printed ticket, EXB greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, signed EXB poster, EXB mask and shirt, RS mask and shirt, SV shirt and jacket at  exclusive dinner kasama ang EXB bukod sa online access ng concert.

Makakakuha naman ng parehong benefits sa P20,000 ticket ang mga bibili ng P35,000 ticket at dagdag na exclusive access sa listening party featuring never-before-heard EXB tracks at cocktail pagkatapos ng dinner kasama ng EXB.

Dagdag pa niya, siya mismo ang nagsabi na maglagay ng VVIP dahil mayroong mga fan na gustong makibonding sa kanila.

“…ako ang may sabi na maglagay tayo ng VVIP kasi meron talagang gustong maki-bonding and all.

Isangdaan lang ang slots para sa VVIP tickets at twenty percent na raw ang kanilang naibenta kaya eighty slots nalang ang natitira.

Sa mga gusto naman manood pero hindi afford ang VVIP tickets, available naman daw ang reduced price na P300-P2,000.

“Masasabi ko rin po, kahit yung PHP300 ang ticket, masasabi na grabe, hindi lang PHP300 yung value,” ani RS.

Gaganapin ang “Evoluxion: The Ex-Battalion Digital Concert” sa Araneta Coliseum ngayong December 11, 2021.

Source: Pep.ph

Instagram